Umakyat na sa 72.1 million ang bilang ng mga Pilipinong bakunado na laban sa COVID-19.
Katumbas ito ng 90% ng target population ng gobyerno na nabakunahan kontra sa virus.
Batay sa impormasyon mula sa Office of the Press Secretary (OPS), umabot na rin sa 17 million o 21.76% ng target population ang nakatanggap na ng booster dose ng bakuna.
Una nang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na buo ang suporta ng Palasyo sa lahat ng aktibidad ng Department of Health (DOH), para sa pagpapaigting nito ng kampaniya sa bakuna, lalo’t target ng pamahalaan na mabigyan ng booster dose ang 23 milyong mga Pilipino sa loob ng unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pwesto.
Tiniyak din ng kalihim na binibigyan ng OPS ng platform ang DOH para maipabatid pa sa mga Pilipino ang impormasyon na nais nilang ipamahagi kaugnay sa COVID-19.