MGA BAKUNADONG ALAGANG HAYOP SA MANGALDAN, NADAGDAGAN PA

Nadagdagan pa ang bilang ng mga alagang hayop na nabakunahan sa Mangaldan sa pamamagitan ng patuloy na pag-arangkada ng Veterinary Medical Mission.

Umabot sa 203 pet owners ang lumahok sa naturang medical mission sa bayan.

Bahagi ito ng pagpapalakas ng kampanya ng LGU Mangaldan tungo sa pagkakaroon ng rabies-free na pamayanan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyong beterinaryo para sa mga alagang hayop ng mga residente.

Nasa kabuuang 355 aso at pusa ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyong hatid ng libreng medical mission.

Ayon sa alkalde ng bayan, mahalagang makiisa ang mga mamamayan sa ganitong uri ng programa upang mapangalagaan hindi lamang ang kalusugan ng kanilang mga alagang hayop, kundi pati na rin ang kaligtasan at kalusugan ng buong komunidad.

Facebook Comments