Mga bakunang gagamitin sa Solidarity Trials sa Pilipinas, pinag-aaralan na ng WHO

Masusing pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) an mga datos sa mga bakunang maaaring gamitin sa Solidarity Trials sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Science and Technology – Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime C. Montoya, ang WHO ay maglalabas pa lamang ng pinal na Standard Operating Procedures (SOPs) at specific protocols para sa pagsasagawa ng Solidarity Trials sa bansa.

Pero aminado si Montoya na wala pang pinal na desisyon ang WHO kung alin sa mga bakuna ang gagamitin sa trials.


Nasa 15,000 volunteers ang inaasahang lalahok sa clinical trials sa 20 sites sa bansa.

Dagdag pa ni Montoya, nagpapatuloy ang training para sa mga researchers at vaccinators habang hinihintay ang pag-iisyu ng WHO ng SOPs at protocols.

Ang mga pasyenteng makararanas ng side effects mula sa bakuna ay sasagutin ng WHO.

Mayroong indeminity claim na pinirmahan ang WHO at isang insurance provider.

Facebook Comments