Mga bakunang magpapakita ng disadvantages, hindi hahayaang magamit sa bansa – Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na hindi hahayaan ng gobyerno na magamit ang COVID-19 vaccines na magpapakita ng ‘potential liabilities’ kaysa sa benefits.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pagkamatay ng ilang senior citizens sa Norway matapos maturukan ng bakuna ng Pfizer.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga bakunang papasa sa safety at efficacy checks ng mga drug regulator ang gagamitin ng gobyerno sa libreng immunization.


Iginiit ni Roque na kailangang beripikahin ang mga ulat bago gumawa ng konklusyon tungkol sa bakuna.

Una nang sinabi ni Roque na umaasa siya na ang insidente sa Norway ay hindi makakaapekto sa emergency use approval na ibinigay sa Pfizer sa Pilipinas.

Facebook Comments