Mga bakunang may mataas na efficacy laban sa COVID variants, inisa-isa ng DOST Vaccine Expert Panel Member

Inisa-isa ni Dr. Rontgene Solante, Head ng Adult Infectious Diseases Tropical Medicine ng San Lazaro Hospital at Department of Science and Technology (DOST) Vaccine Expert Panel Member ang mga efficacy ng mga bakuna kontra sa iba’t ibang variants ng COVID-19.

Sa inilunsad na bakuna forum ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, inanunsyo ni Dr. Solante na ang Novavax ay may 89.3% na efficacy laban sa UK variant.

Habang ang AstraZeneca ay 74.6% ang efficacy nito laban sa UK variant.


Ang Janssen naman aniya ay may 66% efficacy laban sa South African variant.

Ang Novavax ay may 49.3% efficacy sa South African variant.

Ang Pfizer at Moderna naman aniya ay nagki-claim na epektibo ang kanilang mga bakuna laban sa UK variant.

Habang ang Sputnik V at ang Sinovac ay nagsasabi na epektibo ang kanilang mga bakuna laban sa UK at South African variant.

Samantala, tinukoy rin ni Dr. Solante ang mga bakunang may mataas na efficacy sa severe COVID.

Kabilang sa mga bakuna na may 100% efficacy sa severe covid ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik V at Janssen.

Facebook Comments