Mga bakunang ni-recall sa Bicol Region, ligtas pa ring gamitin base sa findings ng WHO at UNICEF

Nanatiling nasa usable condition ang 7,500 doses ng AstraZeneca vaccines na ni-recall mula sa Department of Health (DOH) Center for Health Development sa Bicol Region.

Batay ito sa preliminary findings sa ginawang imbestigasyon ng World Health Organization (WHO) at UNICEF.

Sa preliminary report ng WHO at UNICEF, ang isa sa storage boxes na naglalaman ng 7,500 doses ay nasa mahigit 400 degrees Celsius ang temperatura.


Pero batay sa mga nakalap na ebidensya, ang thermometer lamang ang may problema at ang iba pang equipment at devices na gjnamit sa storage at transportation ng mga bakuna ay gumagana kaya walang nasayang na AstraZeneca vaccines.

Pinuri naman ng DOH at National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang DOH – Bicol dahil sa pagsunod sa protocol at pagiging maingat.

Tiniyak naman ng DOH at NTF na paiigtingin pa nila ang pag-iingat para matiyak na lahat ng device at iba pang equipment na ginagamit sa logistics at storage ng bakuna ay gumagana para na hindi maulit ang insidente.

Facebook Comments