Mga bakwit sa Dumaguete galing sa Marawi, may balak pang bumalik sa kanilang lugar

35

Dumaguete – Nais pang bumalik ng mga bakwit na nasa lungsod ng Dumaguete ngayon mula Marawi sa kanilang mga tahanan.

Sa panayam ng DYWC RMN sa lider ng mga bakwit na si Amin Sarip, bukas loob silang bumalik sa kanilang lugar dahil andoon naman ang kanilang kabuhayan.

Dagdag pa nito na kung sakaling matapos na ang gulo sa Marawi at kapag magdeklara ng Pangulo na tahimik na ito at pwede na muli itong tirahan ay babalik sila.

Mensahe nila para sa Pangulo na isang taon na sa panunungkulan ay sana maibalik ang ganda ng Marawi City at mabigyan sila ng pangkabuhayan bilang biktima ng gulo doon.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments