Muling nagpaabot ng tulong sa mga residenteng lumikas mula sa mga bayan ng Datu Unsay at Datu Hoffer sa Maguindanao ang ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team ngayong araw.
Bitbit ng mga ito ang bigas , delata, kape at pinagkalooban ng ayuda ang 200 bakwit na nunuluyan sa covered court ng Datu Unsay , nakabiyaya rin ang 451 na mga residente mula sa Datu Hoffer at 300 na pamilya na ninirahan sa Sitio Bagong at Mt. Firis.
Nanguna sa relief distribution si RDRRMC Director Ramil Masukat katuwang ang mga elemento at opisyales ng 57th IB , DSWD at OSCC ARMM.
Samantala tumulak rin ang ARMM Heart at OSCC kanina sa Matuber Datu Blah Sinsuat at namahagi ng kahalintulad na tulong sa 167 na pamilyang lumikas dahil sa nagpapatuloy na tensyon.
Ang mga pamilyang apektado ng magkahiwalay na kaguluhan sa Maguindanao ay kalimitang nagmumula sa Teduray Community.
Mga bakwit sa Maguindanao muling nakatanggap ng ayuda sa ARMM Heart
Facebook Comments