Mga Bakwit sa Shariff Saidona Mustapha, binisita ni Robin Padilla at Governor Bai Mariam

Bahagyang naibsan ang kalungkutan at sakripisyong nararamdaman ng mga pamilyang naging bakwit dahil sa tensyong naidulot ng inilunsad na operasyon ng Militar kontra Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF matapos bisitahin ng artistang si Robin Padilla at Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu kahapon, August 4 2019.

Hindi nga inalintana ng itinuturing na Idol ng Bangsamoro na si Binoy o mas kilala na ngayon bilang si Abdul Aziz at Maguindanao Governor Bai Mariam ang sitwasyon para lamang makapagpaabot ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kaguluhan .

Hatid ng mga ito ang relief items mula Provincial Government Office na kibabibilangan ng Bigas, delata at kape .


Kasama ni Padilla at Gov. Bai Mariam ang militar sa pagpaparating ng tulong sa mga sibilyang bakwit.
Bukod sa Relief Items, nagsagawa rin ng Medical Mission ang PGO sa lugar.

Bago pa man ang pagtungo sa Evacuation Center sa Brgy. Bakat Shariff Saidona Mustapha, naunang tinungo ni Padilla at ng Gobernadora ang mga pasyente sa Maguindanao Provincial Hospital sa Datu Hoffer. Bukod sa mga balde balde na mga food items tila naging hatid rin ng dalawa ang pag-asa sa mga pasyente maging sa mga kaanak ng mga ito.
Sinasabing inilunsad sa Maguindanao Hospital ang Malasakit Center na naglalayung makatulong sa mga pobreng residente ng lalawigan.
CCTO PIC

Facebook Comments