Pinaaalis ni Pangulong Bongbong Marcos ang non-tariff barriers sa importasyon ng mga produktong pang-agrikultura.
Ito ay upang matiyak ang supply at matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga lokal na bilihin.
Sa ilalim ng Administrative Order No. 20, inatasan ng pangulo ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Finance (DOF) na pasimplehin ang mga proseso at polisiya para sa importasyon ng mga agricultural products.
Pinatututukan din sa Bureau of Customs (BOC) ang pagdiskarga at pagpapalabas ng imported agricultural products, alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Nakapaloob din sa kautusan ang muling pagbuhay sa surveillance team ng pamahalaan na magbabantay sa importasyon at distribusyon ng mga imported na agricultural products para mapigilan ang manipulasyon ng presyo at iba pang uri ng panlalamang ng mga negosyante.