Mga balota gagamitin para sa Maguindanao at Cotabato city dumating na

Dumating na sa tanggapan ng Comelec maguindanao ang mga balota at election paraphernalia na gagamitin para sa May 14 Barangay at SK election..Ayon kay Maguindanao Provincial Election Supervisor Atty.Udtog Tago, kumpleto na ang lahat ng gagamitin election paraphernalias para sa tatlumput anim na bayan sa Maguindanao at Cotabato city. Inaasahang ide-deliver ang mga balota sa May 11 sa mga opisina ng Municipal Treasurers Office at City Treasury, na sila ang mamahagi ng balota at mga paraphernalias sa araw mismo ng halalan. Sa ngayon abala ang Comelec sa pagkuha ng mga Board of Election Tellers, Inihanda narin nila ang listahan ng kukunin watchers ng bawat kandidato, maging ang pagkuha ng mga ID,s para sa mga Media accreditation na magco-cover sa araw mismo ng election.

Facebook Comments