Manila, Philippines – Gagamit ang Commission on Elections (Comelec) ng dagdag na security features sa mga balota para matiyak ang kredibilidad at integridad ng nalalapit na May 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – ang mga balota ay may security features gaya ng marks at barcodes.
Kabilang aniya rito ay ang machine readable ultraviolet (UV) markings.
Tumanggi na rin si Jimenez na talakayin ang iba pang features ng balota dahil sa security reasons.
Sa pag-iimprenta ng balota, sinabi ni Jimenez na uunahing i-imprenta ang mga balota na gagamitin sa Mindanao, na susundan sa Visayas at Luzon.
Nasa higit 64.8 million na balota ang nakatakdang i-imprenta ng Comelec kung saan higit isang milyon nito ay ipapadala sa ibayong-dagat.
Target ng poll body na makapag-imprenta ng isang milyong balota kada araw at inaasahang matapos sa Abril 25 o mas maaga pa.