Mga balotang gagamitin sa Maynila sa eleksyon, dumating na pero selyo ng ilang kahon ng mga balota, sira

Nai-deliver na sa Manila City Hall ang mga official ballots na gagamitin sa May 13 Midterm Elections.

Pero pagdating sa City Hall compound, napansin na sira ang ilang selyo ng mga kahon ng balota.

Paliwanag ng isang representative ng cargo delivery, nasira ang mga selyo sa biyahe.


Ayon naman kay Josephine Dazam OIC ng Manila City Treasurer’s Office magsusumite sila ng report sa COMELEC hinggil dito.

Posible rin aniyang magreport sa COMELEC maging ang mga representative ng mga kandidato sa Maynila na sumaksi sa pagdating ng mga balota at nakapuna sa mga sirang selyo.

Nasa 1,502 kahon ang natanggap ng Maynila para sa 1,502 polling precincts nito.

Kada kahon ay may label ng ballot id, cluzter precinct number, munisipalidad, probinsya at rehiyon kung saan ito gagamitin.

Natulong-tulong naman ang mga tauhan ng Manila City Treasurer’s Office sa pagpapasok ng mga balota sa loob ng dalawang kwarto sa kanilang opisina.

Binantayan din ng mga pulis ang venue para tiyaking secured ang mga balota.

Facebook Comments