Tiniyak ng Comelec na mas maaga nilang matatapos ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan sa MAyo.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez , posibleng matapos ang printing ng mga balota bago ang Semana Santa o mas maaga sa target date nilang April 25, 2019.
SA ngayon, nasa average na isang milyong balota anya kada araw ang naiimprenta sa National Printing Office simula pa noong February 20, 2019.
Sa pinakahuling datos mula sa Printing Committee ng Comelec, umaabot na sa 38,347,754 ballots ang naimprenta ng poll body.
Ito ay katumbas ng 60.24% ng kabuuang mga balota na 63.6 milyon.
Ayon kay Jimenez, ang mga natitirang balota na kailangan pang iimprenta ay para sa Regions 1, 2 at National Capital Region (NCR).
Facebook Comments