Hindi ipinatutupad ng gobyerno ng Pilipinas ang travel ban sa Israel.
Sa press briefing sa Malacañang sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo De Vega, na kilala ang Israel sa mga banal na lugar at puntahan ng mga turista tulad ng Jerusalem, Bethlehem, at Nazareth.
Sa kabila naman na walang gulo na nangyayari sa mga lugar na ito o hindi apektado ng pag-atake ng Hamas, ipinapayo ng DFA na ipagpaliban muna ang pagtungo sa mga lugar na ito hangga’t hindi pa bumabalik sa normal ang sitwasyon.
Sinabi ni De Vega, wala naman sigurong mga Pilipinong turista ang gustong maabala kaya makabubuti aniyang gawin sa ibang petsa ang pagbakasyon sa tinaguriang ‘Holy Places’ sa Israel lalo’t naniniwala ang DFA na hindi magtatagal ang giyera.
Facebook Comments