Manila, Philippines – Dedma lang ang Catholic Bishops Conference of the
Philippines sa kaliwat kanang batikos ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa
Simbahang Katolika.
Ayon kina CBCP-Episcopal Commission on Mission Chairman Sorsogon Bishop
Arturo Bastes at CBCP-Episcopal Commission on the Laity Chairman Manila
Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – hindi dapat seryosohin ang mga
“non-sense” na pahayag ng Pangulo.
Para naman kay Bishop Broderick Pabillo, walang value at hindi pinag-isipan
ng Pangulo ang kanyang mga pinagsasabi sa media.
Naninindigan din ang mga obispo na mabibigo lamang ang Pangulong Duterte
kung layunin nitong pabagsakin ang simbahan na tutol sa kanyang mga
anti-poor at anti-life policies.
Inihayag ng mga obispo na marami na ang nagtangkang pabagsakin ang simbahan
sa nakalipas na 2,000-taon ngunit lahat sila ay nabigo.