Mga banat ni PRRD sa administrasyon, pinangangambahang makaapekto sa ekonomiya ng bansa

Nangangamba si House Appropriations Committee Vice Chairperson at Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr., na makaaapekto sa ekonomiya at pasok ng pamumuhunan ang patuloy na pagbanat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa administrasyong nito.

Naniniwala si Haresco na maaring ikabagsak ng bansa ang mistulang “political ripple” o panggugulo ni Duterte sa pulitika.

Giit pa ni Haresco, sayang ang mga iniuuwing bilyun-bilyong pisong halaga ng mga pamumuhunan o investment pledges ni Pangulong Marcos mula sa sa mga byahe nito sa abroad.


Facebook Comments