Mga bandila sa mga kampo ng militar sa buong bansa, ilalagay sa half-mast matapos ang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Nakikiramay ang buong hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay AFP Spokesman Marine Major General Edgard Arevalo, lahat ng mga sundalo, reservists, at civilian human resource ay nakikiisa sa sambayanan sa panalangin para sa pamilya Aquino.

Kaugnay nito, ilalagay naman sa half-mast ang watawat sa lahat ng kampo ng militar sa buong bansa bilang pagluluksa sa pagkamatay ng dati nilang Commander-in-Chief.


Una nang nagpahayag ng pakikiramay si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagpanaw ni Aquino at sinabing sa ilalim ng kanyang liderato ay naipatupad ang AFP Modernization program.

Facebook Comments