Mga bangka na donasyon para sa mga mangingisda sa Bicol Region, ibibiyahe na rin ng barko ng PCG

Ikinarga na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 50 units ng fiberglass boats, 50 units ng stainless shafting, at 42 units of 7.5 HP marine diesel engine para sa mga bangka.

Isinakay ito sa BRP Lapu-Lapu (MMOV-5001) mula sa Port of Tacloban sa Tacloban City, Leyte para dalhin sa mga mangingisda na naapektuhan ng Bagyong Rolly sa Bicol Region.

Ang naturang supplies ay binili ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region VIII para ipamahagi sa mga mangingisda sa Bicol na nawalan ng hanapbuhay matapos mawasak ng bagyo ang kanilang bangka.


Inaasahang bukas ay dadating sa Port of Tabaco sa Albay ang naturang mga bangka at mga makina ng sasakyang pandagat.

Facebook Comments