MGA BANGKA NG MGA MANGINGISDA SA BINMALEY, INIAHON UPANG HINDI ANURIN NG MALAKAS NA ALON DULOT NG BAGYONG NANDO

Iniahon ng mga mangingisda sa Binmaley ang kanilang mga bangka upang hindi anurin ng malakas na alon sakaling humagupit ang bagyong Nando.
Ayon na rin sa abiso ng lokal na pamahalaan ng bayan, hindi na muna maaaring pumalaot ang mga mangingisda at baka maaksidente pa at maanod ng malakas na alon sa gitna ng laot.
Agad din naman na sumunod ang mga mangingisda tulad ni Kuya Jose na nitong isang araw pa umano itinaas ang kanyang bangka sa takot na masira ng bagyo.
Hindi na rin umano sila nagmatigas at nananatili na lamang muna sa kanilang mga tahanan sa takot na mawala pa sa gitna ng laot.
Babawi na lamang umano sila pagkatapos dumaan ng bagyo at mas mainam na manatili sa kanilang mga tahanan para sa kanilang kaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments