Muli nang pinapayagan ang pagbiyahe ng mga sasakyang pandagat na bumibiyahe sa mga isla sa Barangay ng Talim Island matapos ang hagupit ng Bagyong Rolly.
Una nang inirekomenda ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa Philippine Coast Guard (PCG) na nasa Laguna De Bay Station, na ipatigil ang biyahe ng mga pampasaherong bangka at maliliit na sasakyang pang-isda sa Pritil Binangonan, Rizal at sa Looc Fish Port sa Cardona, Rizal patungo sa Talim Island noon pang Sabado ng Tanghali, October 31, 2020.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Dong Malonzo, Special Operating Procedure (SOP) na sa kanila na kapag pumalo na ang Typhoon Signal Number 1 pa lamang ay pinasususpinde na nila ang biyahe patungo sa mga Island Barangay.
Ang Talim Island ay binubuo ng 27 barangay na sinasakop ng mga bayan ng Binangonan na may 17 barangay at Cardona na may 10 barangay.