Ganap nang batas sa Washington DC ang panukalang gawin pataba sa lupa ang mga bangkay ng tao.
Layon ng nasabing batas na mabawasan ang carbon emissions ng estado mula sa paglilibing at cremations.
Bunsod nito, simula sa susunod na taon, papipiliin ang mga mamamayan ng Washington kung gusto nilang gawing pataba sa lupa ang kanilang bangkay o ang tinatawag na recomposition.
Tiniyak naman ni Katrina Spade, founder ng recompose na ligtas ang recomposition, natural at sustainable na makakatipid sa carbon emissions at land usage.
Facebook Comments