Sinimulan ng kuhanin ng Bureau of Correction o BuCor ang mga labi ng mga Person Deprived of Liberty o PDL na hindi nakukuha sa isang punerarya sa Muntinlupa City matapos itong iwan ng mga kamag-anak.
Ayon sa may-ari ng punerarya, 10 bangkay ang unang kinuha kahapon sa Eastern Funeral Services para ilibing sa New Bilibid Prison Cemetery.
Nasa 176 na mga labi ng PDL ang matagal nang naipon sa Eastern Funeral Services, 126 sa mga ito ang overdue na matapos hindi kuhanin ng mga kamag-anak.
Samantala, pinatigil ni Forensic Pathologies Dr. Raquel Fortun ang paglalabas ng bangkay dahil susuriin niya muna ang mga ito.
Ililipat na sa morgue sa University of the Philippines (UP) , College of Medicine ang mga bangkay.
Una nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla na bibigyan ng desenteng libing ang mga labi ng mga PDL.