Mga bangko, pinatitigil ng BSP sa paggamit ng links sa text messages sa transaksyon sa customers

Ipinatitigil ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paggamit ng mga link sa mga text messages at email na ipinadadala ng mga bangko at iba pang financial institutions sa kanilang mga customer.

Sa harap na rin ito ng pagsasamantala ng mga sindikato lalo na at dumarami ang bilang ng mga mamimili na idinadaan sa internet ang mga transaksyon.

Sinabi ng BSP na dapat ituloy ng Bangko Sentral Supervised Financial Institutions (BSFI) ang risk assessment sa kanilang mga proseso at produkto upang matiyak na hindi ito mapapasukan ng mga sindikato.


Kasama rin sa mga ipinapayo ng BSP ang mandatory notification sa pamamagitan ng email o text message ng mga transaksyon sa paglilipat ng pondo o fund transfer.

Nais din ng BSP na ipagbawal sa sinumang tauhan ng bangko o financial institution ang paghingi ng password o one-time PIN ng customers.

Facebook Comments