Mga bangkong nanggigipit sa utang sa gitna ng pandemya, pinuna ng isang mambabatas

267

Sinita ng isang mambabatas ang ilang mga credit card companies na nanggigipit ng kanilang mga customers dahil late o hindi nakapagbayad nang buo sa kanilang bill.

Ayon kay Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong, may mga natanggap siyang reklamo na ilang cardholders na ang pinagbantaang kakasuhan ng kanilang collection agents dahil bigong makapagbayad sa kanilang balanse.


Bukod dito, may iba ring cardholders ang binalaang i-freeze ang mga bank accounts o i-foreclose ang mga properties.

Sinita ni Ong na mali ang panggigipit ng mga bangko para mapilitang magbayad ang mga customers na may utang sa kanila lalo’t nasa gitna ng pandemya ang bansa at mahirap ang buhay.

Binigyang diin ni Ong na ang totoong issue ay hindi ang late na pagbabayad ng mga credit card holders kundi ang hindi pagsunod ng mga bangko sa isinasaad ng Bayanihan 1 at 2 kung saan binibigyan ng 30 days grace period ang mga umutang sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) habang 60 days grace period naman para sa lahat ng loans na kinuha bago ang Disyembre 31, 2020.

Sa ilalim ng palugit na ibinigay sa mga customers ay walang interest, penalties o ibang charges na sisingilin.




Facebook Comments