Mga bank accounts ni COMELEC Chairman Andres Bautista, pinasisilip na sa Anti-Money Laundering Council

Manila, Philippines – Pinabubuksan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa Anti-Money Laundering Council ang mga bank account ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Kasunod ito ng sinabi ni Martin Bautista, kapatid ni Chairman Bautista na magkakahalong pera na nila ang mga bank deposit na nadiskubre ni Patricia Bautista.

Una nang sinabi ni Atty. Lorna Kapunan, tagapag-salita ni Patricia Bautista na dapat sabihin ni Chairman Bautista kung magkano ang parteng kanya at kung deklarado na ito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth.


Kasabay nito, nilinaw ni Kapunan na wala silang kinalaman sa draft impeachment complaint na natanggap ni Chairman Bautista.

Binigyang linaw din ni Kapunan ang tungkol sa 3.2 million pesos na utang ng kanyang kliyente na binayaran umano ni Chairman Bautista.

Bukod dito ay binuweltahan din ng kampo ni Mrs. Bautista ang poll body chief ng pangangaliwa.

Facebook Comments