Kasabay ng pagbubuo ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ng Task Force na magmomonitor sa mga pampubliko at pribadong palengke laban sa mga botcha o hot meat, nakakumpiska ang mga otoridad ng mga banned Chinese Meat Product sa Aranque Market.
Aabot sa 65 Kilo ng mga karne ng baka, baboy at pecking duck na nasa higit 20,000 ang halaga kung saan wala itong kaukulang permit para ibenta ang mga nasabing produkto.
Bunsod nito, ipinag-utos ni Mayor Isko Moreno sa Business Permit and Licensing Office o BPLO na ipasara ng tuluyan ang mga tindahan na nagbebenta ng mga imported na karne ng walang permiso.
Hinggil naman sa binuong Task Force kontra botcha, inatasan ni Moreno ang Veterinary Inspection Board na magsagawa ng inspeksyon sa bawat palengke sa Lungsod ng Maynila.
Samantala, naging Matumal ang bentahan ng mga processed meat sa San Andres Market dahil sa pangamba ng mga mamimili sa mga ulat na pagkamatay ng mga baboy sa ilang lugar sa lalawigan ng Rizal pero walang plano ang mga tindera na bawasan ang halaga ng kada kilo ng mga ito.