Isinama na ng Inter-Agency Task Force (IATF)sa red list countries dahil sa banta ng Omicron COVID-19 variant ang bansang France.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, epektibo ito simula bukas, Disyembre 10 hanggang Disyembre 15.
Dahil dito, ang mga darating na pasaherong nagmula sa France sa nakalipas na 14 araw ay kinakailangang sumailalim sa facility-based quarantine sa loob nang 14 na araw at sasalang din sa RT-PCR test sa ika-pitong araw.
Samantala, simula naman alas-12:01 ng Disyembre 13 hanggang Disyembre 15 ay pagbabawalan munang makapasok ang mga pasaherong nanggaling sa France sa nakalipas na 14 araw kahit fully vaccinated na.
Tanging ang mga Pilipinong uuwi lamang sa pamamagitan ng government o non-government-initiated repatriation at bayanihan flights ang papayagang makapasok sa bansa at sasailalim pa rin sa testing at quarantine protocols.