Nanawagan ng pagkakaisa mula sa international community ang mga foreign minister ng G7 (Group of Seven) upang makatulong sa krisis sa Afghanistan.
Ayon kay British foreign minister Dominic Raab, nagkaisa ang G7, na kinabibilangan ng Estados Unidos, Italy, France, Germany, Britain, Japan, at Canada –– sa misyon na pigilang lumala ang sitwasyon sa Afghanistan.
Ayon sa G7, ang krisis sa Afghanistan ay dapat nang panghimasukan ng UN Security Council, at mga kalapit bansa ng Afghanistan.
Matatandaan na noong Agosto 15 ay tuluyan nang napasakamay ng Taliban forces ang kapitolyo ng Afghanistan na Kabul matapos na una na ring tumakas ang kanilang presidente.
Facebook Comments