Mga bansang nagpadala ng tulong sa Pilipinas, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga bansang nagpadala ng tulong pinansiyal sa Pilipinas matapos ang paghagupit ng Bagyong Odette.

Ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson, nasa higit ₱187 million halaga ng emergency relief ang ibibigay ng Australian Government para sa pagbangon ng Pilipinas.

Habang nagpadala rin ang European Union ng higit P160 million para sa pagkain, inuming tubig, matutuluyan at iba pang mga kinakailangang kagamitan ng mga biktima ng bagyo.


₱32.6 million naman ang ibinigay ng Switzerland sa Philippine Red Cross sa pamamagitan ng International federation of Red Cross habang nagbigay rin ang Ireland ng higit ₱14 million.

Samantala, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nasa ₱2 milyon ang ibibigay ng Singapore sa pamamagitan din ng Red Cross.

Una nang nag-donate ang Estados Unidos, China, South Korea, Japan, Canada at United Kingdom para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Facebook Comments