Mga bansang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas kasunod ng panibagong pangha-harass ng China sa WPS, nadagdagan pa

Dumami pa ang mga bansang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas kasunod ng panibagong pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ng Canadian Embassy na ang mga aktibidad ng China na nakagagambala sa legal na operasyon ng mga barko ng Pilipinas ay paglabag sa international law at sumisira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Bukod sa Canada, nagpahayag din ng pagkabahala ang United Kingdom at Germany sa naging aksyon ng China na tinawag nilang “intimidatory.”


Nauna nang nagpahayag ng suporta sa Pilipinas ang Estados Unidos, Australia at Japan.

Ayon naman sa Chinese Embassy, hindi totoo ang alegasyon ng Pilipinas.

Gumamit lang daw ang Chinese Coast Guard ng hand-held laser speed detector at hand-held greenlight pointer para sukatin ang layo at bilis ng barko ng Pilipinas at magbigay ng direksyon upang matiyak ang ligtas nitong paglalayag.

Facebook Comments