Nadadagdagan ang mga bansang nagpapahayag ng suporta sa diolomatic protest ng Pilipinas laban sa China.
Kabilang sa mga nagpaabot na ng suporta ang United States, Japan, Australia, Canada, Germany, Denmark, at United Kingdom.
Nanawagan din sila sa China na igalang ang International Law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nanindigan naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagkontra sa pahayag ng China na hindi raw totoo na gumamit ang Chinese Coast Guard (CCG) ng military-grade laser sa Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal.
Sa halip ay gumamit lamang daw ang Chinese Coast Guard ng laser speed detector at green light pointer.
Facebook Comments