Ipinagpasalamat ng National Security Council (NSC) ang patuloy na suporta ng ilang bansa sa Pilipinas sa harap ng patuloy na pangha-harass ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na nagpaabot ng pakikisimpatya ang ilang bansa matapos ang panibagong insidente ng banggan ng Philippine Vessel at China Vessel sa WPS
Ang mga bansang ito ayon kay Malaya ay ang Estados Unidos, Canada, European Union, Japan at United Kingdom.
Ayon kay Malaya, ang suporta ng mga bansang ito ay nagpapalakas sa Pilipinas para ituloy ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal kung saan naka-deploy ang mga sundalo para magbantay.
Nababahala naman ang NSC sa panibagong insidenteng ito sa WPS at kinokondena ang naging aksyon ng Chinese coastguard at Chinese militia laban sa Philippine Coast Guard.