Mga bansang, tinamaan ng Omicron variant, umabot na sa 38!

Umabot na sa 38 na bansa sa buong mundo ang nakapagtala ng kaso ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Base ito sa datos ng World Health Organization (WHO) kung saan pinakabagong nadagdag sa listahan ay ang Australia.

Sa kabila nito, wala pa namang naitatalang kaso ng pagkamatay dulot ng Omicron ang WHO.


Ayon sa WHO, maaaring abutin pa ng ilang linggo bago makakuha ng karagdagang datos tungkol sa Omicron variant at kung gaano ka-epektibo ang mga COVID-19 vaccine laban dito.

Sa ngayon, pumalo na sa tatlong milyon ang kaso ng Omicron sa South Africa pa lamang.

Facebook Comments