Mga banta ni Pangulong Duterte laban sa mga institusyon ng gobyerno, ikinaalarma ng LP senators

Manila, Philippines – Ikinaalarma ng Liberal Party o LP senators ang mga pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga kaalyado sa democratic institutions sa ating bansa tulad ng Ombudsman, Supreme Court, at Commission on Human Rights.

Diin ni LP President Senator Kiko Pangilinan, ang mga banta ng Pangulo ay nakapagpapahina sa ating demokrasya at respeto sa rule of law.

Umaasa din si Pangilinan na makikipagtulungan si Pangulong Duterte sa mga imbestasyong isinasagawa ng Ombudsman at iba pang ahensya ng gobyerno dahil hindi ito dapat matakot kung wala namang itinatago.


Ipinalalala din ni Pangilinan ang transparency and accountability na ipinangako ni Pangulong Duterte sa mamamayang Pilipino.

Sabi naman ni Senator Bam Aquino, sa halip na atakehin ay dapat pang suportahan ni Pangulong Duterte ang mga independent institutions na walang takot na nag-iimbestiga at lumalaban sa pang-aabuso at ang korapsyon sa pamahalaan.

Naniniwala naman si Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang mga pagbabanta ng sa mga independent body tulad ng Supreme Court at Ombudsman ay malinaw na bahagi ng tangka ng administrasyong Duterte na pag-angkin sa lahat ng buong kapangyarihan.

Facebook Comments