Mga banta sa buhay ni Pangulong Duterte, seryosong usapin pero hindi na bago ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Hindi isasantabi ng Palasyo ng Malacañang ang balitang mayroong banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte at pabagsakin ang adminsitrasyon nito.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng ibinunyag ni dating Senatorial Candidate Greco Belgica na pinaplano umano ng Liberal Party na ipapatay si Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, anomang banta laban sa buhay ng Pangulo ay sineseryoso ng Pamahalaan at iimbestigahan ito para mabatid kung may katotohanan nga ang nasabing impormasyon.


Sinabi din naman ni Abella na kailangang maglabas si Belgica ng mga ebidensiya na magpapatunay sa kanyang mga paratang.

Pero sinabi din naman ni Abella na hindi na bago ang mga banta sa buhay ng Pangulo dahil lagi namang mayroon nito pero sa ngayon aniya ay wala naman silang natatanggap na impormasyong katulad ng ibinunyag ni Belgica na ang Liberal Party ay nagpaplano laban sa buhay ng Pangulo.

Facebook Comments