Mga banta sa kapayapaan sa Asia Pacific Region, haharapin ng Pilipinas kasama ang Amerika — PBBM

Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang matatag na ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa larangan ng depensa at seguridad.

Sa naging pulong nila ni US Secretary of Defense Pete Hegseth sa Pentagon sa Virginia, USA, sinabi ng Pangulo na hindi lang simpleng alyansa ang namamagitan sa dalawang bansa, kundi isang “evolving partnership” na sumasaklaw sa maraming larangan.

Ayon sa Pangulo, simboliko ang naging pagbisita ni Hegseth sa Maynila nitong Marso na isang malinaw na mensahe ng patuloy na pakikipagkaisa ng Amerika sa Pilipinas sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Ipinahayag ng Pangulo ang kasiyahan sa naging progreso ng kooperasyon ng dalawang bansa kabilang na ang pagpapatatag ng Mutual Defense Treaty, pagpapalalim ng joint military exercises, at patuloy na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nagpasalamat din ang Pangulo sa suporta ng administrasyon ni US President Donald Trump sa harap ng mga hamon sa seguridad na kinahaharap ng bansa, partikular na sa West Philippine Sea at geopolitical issues.

Facebook Comments