Mga banyaga at Pilipino, mastermind sa mga iligal na gawain ng mga POGO sa ilang mga lugar; lokal na pamahalaan sa Porac, Pampanga, may accountability pa rin sa POGO

Hindi na lang mga banyaga o dayuhan kundi pati ang mga Pilipino ay “mastermind” na rin sa mga iligal na gawain at operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators POGO sa bansa.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, ang mga sindikato sa POGO ay mga banyaga na nagsimula sa labas ng Pilipinas at nang magkaroon ng link o koneksyon sa bansa ay may mga Pilipino na rin silang kasama sa negosyo.

May mga impormasyon aniya silang nakuha na mga private individuals ang kasabwat at dahil ito sa malaking kita mula sa POGO na mas lalong nakaka-engganyo sa kanila na makihati sa kita.


Samantala, iginiit ni Gatchalian na may accountability o pananagutan pa rin sa mga iligal na operasyon ng POGO ang mga pinuno Porac LGU.

Sinabi ng senador na hindi katwiran ng mga nasa lokal na pamahalaan na hindi sila pinapasok at sa dahilan na ito ay dapat nagduda na sila at isinumbong sa mga otoridad ang kahina-hinalang operasyon ng POGO.

Facebook Comments