Mga bar at sinehan sa mga lugar na nasa heightened GCQ, bawal pa rin

Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipinagbabawal pa rin ang pagbubukas ng mga leisure at entertainment venues sa mga lugar na nakasailalim sa heightened General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi pa rin pinapayagan ang pagbubukas ng mga bars, concert, cinemas, theater, arcades, internet cafes, amusement parks, playground, casino, at sabong.

Ipinagbabawal din ang outdoor contact sports, games at scrimmages, indoor sports, courts at venues para sa indoor tourism at in-person meetings, conferences at exhibitions.


Sinabi naman ni Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na mananatili sa Metro Manila ang curfew ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Facebook Comments