Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pa rin maaaring magbukas ang mga bar sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, tanging ang restaurant dining function nito ang papayagang magbukas hanggang alas-9:00 ng gabi.
Batay sa Resolution 48 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na inaprubahan nitong June 22, 2020 ang mga restaurant, cafe, bars ay pinapayagang mag-operate sa 30% capacity at nasusunod ang social distancing protocols.
Nabatid na inaresto ang aktor at TV host na si KC Montero at 99 na iba pa habang nasa loob ng isang bar and restaurant sa Makati City nitong Linggo ng gabi dahil sa paglabag sa social distancing.
Iginiit naman ni Montero na sumusunod sila sa quarantine measures.