Mga Bar examinees, dapat isama sa prayoridad sa pagbabakuna – SC Leonen

Nanawagan sa gobyerno si Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen na isama ang mga Bar examinee sa prayoridad sa pagbabakuna.

Ayon kay Leonen, katulad ng senior citizens at mayroong comorbidities, dapat fully vaccinated din laban sa COVID-19 ang mga dadaan sa eksaminasyon.

Pagtitiyak naman ni Leonen na ginagawa na nila ang posibleng pagkuha ng COVID-19 testing kits para sa mga bar examinees.


Ang bar exams ay gaganapin sa iba’t ibang testing centers sa bansa sa Nobyembre.

Facebook Comments