Maaga pa lang ay nagtungo na ang mga Bar examiners sa iba’t ibang testing sites kasunod ng unang araw ng prestihiyosong pagsusulit ngayong linggo.
Kitang-kita sa mga Bar takers ang kanilang excitement at kaba dahil na rin hindi talaga biro ang pagkuha ng prestihiyosong pagsusulit na ito.
Pagdating naman sa seguridad, nakabantay ang kapulisan para sa kaligtasan ng mga examinees at mga testing sites.
Ayon kay 2023 Bar Chair at Supreme Court Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, na maaga ring nagpunta at personal na nagbigay ng ‘goodluck wish’ sa mga Bar takers sa San Beda College Alabang, na handang-handa ang Supreme Court sa Bar examination ngayong taon.
Narito ang mga subject na ite-take ng mga Bar hopefuls ngayong araw:
Political and Public International Law (15%)
Commercial and Taxation Laws (20%)
Sa ikalawang araw naman ng Bar exam na isasagawa sa Miyerkules, September 20, ang sakop ng Bar exam ay ang:
Civil Law (20%)
Labor Law and Social Legislation (10%)
Sa ikatlo at huling araw ng pagsusulit naman ay ite-take ng mga bar examinees
Criminal Law (10%)
Remedial Law, Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises (25%)
Ito na ang ikatlong taon na gaganapin ang Bar exams sa pamamagitan ng digital format o iyong paggamit ng mga Bar examinees ng laptop o gadget sa iba’t ibang testing sites sa bansa kumpara noong nakaraan na sasagot ng manu-mano o isusulat ng mga Bar hopefuls ang kanilang sagot sa papel.