Mga barangay at munisipalidad na apektado ng mga binuksang dam sa bansa, inilatag kay Pangulong Marcos

Iniisa-isa ng PAGASA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga barangay at munisipalidad na apektado ng mga binuksan na dam sa bansa.

Sa situation briefing sa Malacañang, tinukoy na anim sa sampung mga dam sa bansa ang nagbukas na ng gates at nagpapakawala ng tubig.

Kabilang dito ang Ipo at Bustos dams na ang tubig ay bumababa sa Angat River sa Bulacan.


Kaya naman posibleng maapektuhan ang mga munisipalidad ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy.

Ang mga dam naman na bumababa sa Agno River ay ang Ambuklao sa may Bokod; gayundin ang Binga dam sa may Itogon, Benguet, at San Roque dam sa may Pangasinan.

Kabilang sa mga barangay na apektado ay ang Ambuklao, Dalupirip at Tinongdan, at mga munisipalidad ng San Miguel, San Nicolas, Tayug, Asingan, Sta. Maria, Rosales, Villais, Sto Tomas, Alcala, Bautista at Bayambang.

Bukas na rin ang gate ng Magat dam sa may Isabela, at kabilang sa mga apektado ay ang munisipalidad ng Alfonso Lista sa Ifugao at mga municipalidad ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian at Gamu, lahat ay nasa Isabela.

Facebook Comments