Mga Barangay Captain sa Cainta Rizal, inatasan ng kanilang alkalde na maglagay ng dalawang HOTLINES para sa mga nagtatanong tungkol sa Social Amelioration Card

77

Inatasan ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto ang lahat ng mga Barangay Captain sa buong Cainta Rizal na mag lagay ng tig-dalawang Hotlines bawat Barangay para sa mga nais na mag-apply ng Social Amelioration Cards.

Sa kanyang Facebook page sinabi ni Mayor Nieto na kinakailangan na magtalaga ang bawat Barangay Captain ng sasagot para alam ng mga tao ang gagawin tungkol kanilang mga katanungan at dapat mayroon sasagot kung qualified sila o hinde sa SAC.


Kapag kwalipikado ay kinakailangan umanong magvalidate sa pamamagitan ng pagbisita sa kani-kanilang mga bahay kasama ang mga Social Workers na tutulong sa kanila.

Paliwanag ng Alkalde, sa pamamagitan ng ganitong paraan ay madaling magkaka access at mapabilis ang mga procedure.

Facebook Comments