Mga barangay chairman sa Maynila, pinaalalahanan ng tamang pagtrato sa mga kaso ng COVID-19 sa lungsod

Nagpaalala si Manila Mayor Isko Moreno sa 896 barangay chairman kaugnay ng tamang pagtrato sa mga may COVID-19 sa lungsod.

Kasunod ito ng pagkaka-aresto sa dalawang kagawad, isang Ex-O at isang tanod ng Barangay 538 sa Sampaloc, Maynila na ipinako at ikinulong ang isang lalaki na nakasalamuha ang isang COVID-19 positive kung saan nadamay ang pamilya nito.

Ikinalungkot umano ng alkalde ang pangyayari at iginiit na dapat malaman ng mga opisyal ng barangay ang batas sa ilalim ng ‘Anti-COVID Discrimination Ordinance of 2020’ na layong wakasan ang mga diskriminasyon sa mga medical workers, COVID-19 patients gayundin sa mga gumaling at minomonitor dahil sa virus.


Sinabi pa ni Moreno na maunawaan sana ng mga opisyal ng barangay ang sitwasyon ng isang indibidwal na suspected, probable at positive case ng COVID-19 lalo na’t higit nilang kailangan ng tulong.

Kaugnay nito, hinikayat ng alkalde ang mga kapitan ng barangay na pangunahan ang pagpapatupad ng ordinansa ng lungsod kontra diskriminasyon.

Facebook Comments