Mga barangay chairpersons sa Cebu City, pinulong dahil sa mataas pa ring kaso ng COVID-19

Iprinesenta ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa mga barangay chairpersons sa Cebu City ang kanilang planong Barangay Referral System sa pamamagitan ng virtual teleconferencing.

Ito ay dahil pa rin sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Ang virtual teleconference ay pinangunahan nina retired Major General Mel Feliciano na naging katuwang ni Environment Secretary Roy Cimatu na siyang overseer sa Coronavirus response sa Cebu City.


Layunin ng planong Barangay Referral System ay para mapaangat ang kapabilidad ng lungsod sa pagtukoy sa mga indibidwal na positibo sa COVID-19.

Hiniling nina Feliciano at Cimatu sa mga barangay chairpersons na magbigay ng mga rekomendasyon para mas mapadali at mapabilis ang mga ginagawang hakbang sa pagtukoy sa mga positibo sa COVID-19 lalo’t sila ang direktang may ugnayan sa kanilang mga kabarangay.

Paliwanag ni Feliciano, ang proposal nilang Barangay Referral System ay nakapaloob ang step by step guide kung saan at sino ang tatawagan kapag may nagpositibo sa COVID-19.

Ginagawa nila ito para mapadali ang trabaho ng mga barangay official at mga emergency responders at malabanan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments