Mga barangay contact tracers sa Quezon City, sumailalim as re-training

Muling isinailalim sa pagsasanay ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ang mga barangay contact tracers sa lungsod ng Quezon.

Layon ng pamahalaang lokal na palawigin pa at i-update ang kaalaman ng mga contact tracers sa contact tracing activities, monitoring at health protocols ng lungsod.

Malaki umano ang maitutulong nito sa pagpapaigting ng pandemic response effort ng city government.


Kahapon, idinaos ng CESU ang seminar sa Barangay Damayang Lagi at susunod naman ang iba pang barangay contact tracers sa ibang distrito.

Base sa huling datos, pumalo na sa 160,756 ang suspect COVID-19 cases ang na-trace ng mga contact tracers sa lungsod, 30,412 naman ang confirmed at validated cases habang 1,108 ang active cases.

Hanggang kahapon, nasa 28,496 na ang nakakarekober sa sakit at 808 naman ang bilang ng mga namatay.

Facebook Comments