Cauayan City, Isabela- Dinagsa ng mga mamamayan ng Lungsod ng Cauayan ang mga barangay Hall upang kumuha ng kanilang travel pass.
Sa pag-iikot ng 98.5 iFM Cauayan News Team, nasaksihan ang pagpila ng mga nasa humigit kumulang 100 mamamayan sa ilang mga brgy. Hall sa Lungsod para makakuha ng travel pass.
Sa brgy Tagaran, mismong nakatutok sa checkpoint si barangay Captain Ramones at magdamag aniyang nakabukas ang kanyang tanggapan para magbigay assistance sa kanyang nasasakupan.
Binigyan diin ni Kapitan Ramones na hindi nila hinahayaang makalabas o makapasok sa kanilang barangay ang mga walang travel pass.
Samantala, sa Brgy. District 1 ay tuloy-tuloy din ang pag-iikot ng kanilang sasakyan upang magbigay ng paalala sa kanilang nasasakupan kung ano ang mga dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.
Sa brgy. District 2 naman ay magdamag din na naka duty ang mga brgy officials para sa pagpapatupad ng liquor ban na nagsimula kahapon at sa curfew hour na mula alas 8 hanggang alas 4 ng umaga.