Manila, Philippines – Bago paman magtapos ang 24 oras na ultimatum na binigay ni Ozamis City C/Insp. Jovie Espenido sa mga sympathizers ng pamilyang Parojinog , sumuko na kahapon ang mahigit apatnapung punong barangay sa lungsod ng Ozamis.
Sa naging panayam ng RMN, kay Lam-An Brgy. Captain Romeo Raagas isa sa nag –surrender ang labis na pagkakabahala ang natulak sa kanila upang humarap kay Espenido.
“More or less 40 kaming barangay captain ang nandito upang hamarap at makipag-usap kay Espenido”, pahayag ni Raagas.
Sa limampu’t isang barangay sa naturang lungsod, nasa 40 lang ang humarap dahil ang iba umano ay may mga mahahalagang lakad.
Nilinaw naman ni Espenido na hindi niya pinatawag ang mga kapitan ngunit kusa silang sumuko.
“Lilinawin natin kusa silang sumuko at hindi ko sila pinatawag” sinabi ni Espenido.
May banta naman ang hepe sa mga nagmamatigas na taga-suporta ng pamilyang Parojinog.