Mga barangay na apektado pa rin ng ASF, 60 na lang

Nasa 60 barangay na lamang sa buong bansa ang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Mula ito sa 3,000 lugar na tinamaan ng nakahahawang viral disease sa mga alagang baboy nang magkaroon ng outbreak noong 2019.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Asec. Noel Reyes, patuloy ang ipinatutupad nilang maigting na biosecurity at quarantine protocols para matiyak na hindi na ulit kakalat ang ASF.


Umaasa rin ang DA na magiging maganda ang resulta ng testing sa dalawang vaccine brands laban sa ASF na sinusuri ngayon sa Amerika.

Kahapon, inanunsyo ng DA na babayaran nila ng buo ang lahat ng hog raisers na may mga baboy na pinatay dahil sa ASF.

Facebook Comments